MAYNILA – UMABOT sa 35 na menor na nasa kustodiya ng Manila Youth Recreational Center (MYRC) ang nakatakas sa naturang pasilidad, kahapon ng madaling araw sa Arroceros Street.
Nabatid sa impormasyon, ang mga batang nakapuslit ay sangkot sa iba’t ibang kaso tulad ng illegal possession of firearms, illegal drugs, sugal, snatching at iba pang krimen.
Alas-3 ng madaling araw nang makatakas umano ang mga bata na nakadetine lamang sa isang selda at pinaniniwalaang dumaan sa bakod sa likuran ng ilog Pasig.
Sa 37 nakatakas, dalawa umano ang muling naaresto ng Manila Police District (MPD), City Security Force ng Manila City Hall at isinakay sa sasakyan ng MMDA pasado alas-10 ng umaga sa Brgy. 228 at 221 sa Tondo.
Tikom naman ang bibig ng MRYC na kumpirmahin ang nangyaring pagkakatakas ng mga menor de edad na sangkot sa krimen.
Isa umano sa naaresto ay isang 17-anyos na binatilyo na may kasong illegal possession of firearms na muling ibinalik sa MRYC.
Ilang beses umanong tinawagan ang OIC ng MYRC na si Luz na ayaw ibigay ang apelyido na noong una ay “out for lunch” at ng ikalawang tawag ay nasa “meeting” naman umano ito kaya hindi nakapanayam. PAUL ROLDAN
Comments are closed.