35 CHINESE NA ILLEGAL WORKER SA BANSA TIKLO

chinese workers

PARAÑAQUE CITY – NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) kahapon ng umaga ang 35 Chinese na ilegal na nagtatrabaho sa cons­truction company sa isang subdivision sa Parañaque City ng walang mga working permit mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., naaresto ang mga ito dahil sa reklamo na ipinarating ng kapwa nila construction worker sa awtoridad kaugnay sa paulit-ulit na panggugulo.

Nadiskubre ni Manahan na dalawang Philippine construction companies sa tatlong iba’t ibang projects sa loob ng subdivision na ito ang tumatanggap ng mga dayuhan kahit na walang maipakitang working permit.

Kaugnay nito ikinasa ng BI Intelligence group ang operasyon sa bisa ng isang mission order na permado ni BI Commissioner Jaime Morente, kung saan huli sa akto ang mga dayuhan na nagtatrabaho bilang mga manual labor.

Sa ilalim ng polisiya ng Bureau of Immig­ration, ipinagbabawal sa mga foreigner ang magtrabaho nang mano-mano dahil ang trabahong ito ay para sa mga Filipino skilled worker. FROI MORALLOS

Comments are closed.