BULACAN- NAGSAGAWA ng kilos protesta ang 35 miyembro ng UCAJODA-MANIBELA sa kahabaan ng Mc Arthur Hi-way o Manila North Road sakop ng Brgy, San Marcos sa bayan ng Calumpit sa lalawigang ito.
Pinangunahan ni Ucajoda-Manibela Vice President Jose Pagdangan ang rally bitbit ang placards na “No to jeepney phase out”.
Kasunod nito, nagsagawa ng pakiki- diyalogo ang pamunuan ng Philippine National Police sa mga nagpoprotesta na maglunsad lamang ng maayos at tahimik ng rally at iwasan ang pagpigil o pangha-harass sa mga kapwa tsuper.
Samantala, ganap na alas-8 kahapon ng umaga nasa 64 PNP personnel ang naka- deploy sa ibat-ibang lugar katuwang ang
Armed Forces of the Philippines (AFP) Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG) kung saan 24 checkpoints at mobile patrols upang matiyak ang kaligtasan ng commuters at ilang motorista sa buong probinsya ng Bulacan. THONY ARCENAL