(Pagpapatuloy…)
Samantala, ipinahayag ni Casanova na sa mga pananaliksik sa mga nagdaang taon ay 40 wika ang nanganganib. Ayon umano sa sangay ng Komisyon na nangangangasiwa sa pananaliksik sa mga bilang ng wika sa ating bansa, lima dito ay tuluyan nang naglaho buhat sa 40 na wikang nanganganib na hindi niya tinukoy.
Kung kaya 35 ngayon ang nabibilang manganib na maglahong wikang Filipino, sabi ni Casanova.
“Gayunpaman ang Komisyon sa Wikang Filipino po ay ginagawang hakbang, upang maiwasan ang tuluyang paglaho ng mga wikang nanganganib na mawala,” ayon kay Casanova.
Kabilang sa mga hakbang na ito ang pagkakaroon ng mga proyektong tinatawag na “Bahay Wika” o pagtayo ng mga eskuwelahan para sa mga katutubong mamamayan na ang wika po ay malapit nang maglaho.
At sa mga Bahay Wika umanong itinatatag ng ahensya ay inaasahang patuloy na matututo ng wikang Filipino ang mga kabataan na tuturuan ng kanilang mga “elders” o nakatatanda sa komunidad.” Layunin po nito sa mga susunod na panahon, na ang mga kabataan na kanilang tinuturuan ay siya namang magpapalaganap na patuloy na gamitin ang mga wikang nanganganib maglago sa susunod na henerasyon,” ayon kay Casanova.
Sa ngayon ay mayroon na umanong naitatag na Bahay Wika sa Abucay, Bataan na sinimulan ng 2017. ”Ito po ay sinusuportahan namin hanggang ngayon ang kanilang pagsulong at tintitingnan po namin ang pag-unlad ng bilang ng mga katutubong nagsasalita sa Abucay, Bataan,” sabi ni Casanova.
Sa kasalukuyan ay planong magsagawa ng Komisyon ng Bahay Wika sa Baler, Aurora, at Cadiz, sa Negros. “Dahil me isa po doong wikang nanganganib na ring maglaho. Ito po ang aming paraan upang iligtas na ang ating mga nanganganib na wika sa kanilang paglaho. At sana po sa buong sambayanan ay makiisa sa Komisyon upang mapangalagaan natin ang mga katutubong wika.dapat ipagmalaki nila, gamitin nila tulad po ng pagmamahal nila sa sa ating bansa.Ito ay mahalin natin, ito ang sagisag ng ating pagka Pilipino. Sapagkat ito po ang identidad natin, ito ang kakanyahin natin. At yaman ng ating mga katutubong wika ay simbolo ng yaman ng ating kultura. Mas mayaman ang ating katutubong wika, mas mayaman ang ating kultura,” sabi ni Casanova.
Ayon kay Casanova sa ngayon ay meron tayong isang daang 135 wika sa ating bansa.134 po dito ay mga wikang tunog at isa po rito ay isang wikang senyas. Na tinatawag nating Filipino sign language.FSL.
“Kung kaya ang bilang na ito ay dapat po nating itaguyod at suportahan, palaganpin,mahalin,ng sa ganun ay mapanatili natin ang mga katutubong wika.Dahil hindi laman po sa bansang Pilipinas nanganganib ang ilang katutubong wika. Kundi sa buong mundo po ay suliranin yan ng ibat ibang bansa dahil po sa modernisasyon,” ayon kay Casanova.
Sa ngayon ay patuloy na nagkakaroon ng kolaborasyon ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na dyan ang paglikha ng ortograpiya ng wika natin. Marami pa umano ang katutubong wikang Filipino ang hindi pa nagagawan umano ng ortograpiya. “Kung ang isang wika ay walang ortograpiya, wala po silang magiging batayan ng kanilang palabaybayan.Kasi ang ortograpiya po ay nagbibigay ng mga tuntunin sa baybay o spelling ng mga salita ng isang wika.at kung wala pong ortograpiya mahirap pong gumawa ng mga salita, o mga texto o pasulat dahil wala nga pong ortograpiya wala nga pong sinusundan umaasa po kami na madaragdagan yan humihingi po kami ng karagdagang budget. malaking pondong kailangan sa bahay kalinga,” ayon kay Casanova.
Sa talaan ng KWF na nakapaskil sa kanilang pahina sa Facebook ang isa sa naglahong Wikang Filipino ay ang Inagta Isarog na mula sa bundok Isarog ng Camarines Sur; Ayta,Tayabas mula sa Tayabas, Quezon; Katabagan mula sa Bondo, Peninsula, Quezon; Agta, Sorsogon, mula sa Prieto, Diaz, Sorsogon; Agta Villa Viciosa, mula sa Abra.
Kabilang sa kanilang talaan sa nanganganib maglahong katutubong Wikang Filipino ay ang Arta mula sa Nagtipunan,Quirino; Inata, mula sa Cadiz, Negros Occidental; Alta, Kabulowan, mula sa General Tinio, Nueva Ecija; Alta, mula sa San Luis, Aurora; Inagta Iraya, mula sa Buhi, Camarines Sur; Ayta, Magbukun mula sa Orion, Bataan; Manobo, kalamansig mula sa Sultan Kudarat; Ayta, Mag -indi mula sa Porac Pampanga; BInatac, mula sa San Vicente ,Palawan; Manide, mula Capalonga, Camarines Norte; Gubatnon,Mangyan, mula sa Magsaysay, Occidental Mindoro; Ayta, Cadi, mula sa Rosario, Batangas; KInarol-an mula sa Kabankalan, Negros Occidental; Ratagnon, Mangyan, mula sa Magsaysay, Occidental Mindoro; Iguwak mula sa Kayapa, Nueva Vizcaya; Karaw, mula sa Bokod, Benguet; Ayta, Ambala, Mula sa Subic, Zambales; Tagabulos, mula sa Dingalan, Aurora; Bangon, Mangyan, mula sa Glorietta, Oriental Mindoro; Ayta Mag -antsi, mula sa Porac, Pampanga; Tenap, mula sa Baggao, Cagayan; Monobo, Ilyanen, mula sa HIlagang, Cotabato; Gadang, mula sa Paracelis, vMr. Province; Bolinaw, mula sa Bolinao, Pangasinan; Kalamyanen, mula sa Linapacan, Palawan; Tadyawan,Mangyan, mula sa Socorro, Oriental Mindoro; Irungdungan, mula sa ilang bayan sa Cagayan; Menuvu, mula sa Bukidnon; Agta, Dumagat Casiguran, mula sa Casiguran, Aurora; Tawbuhid, Mangyan mula sa Occidental Mindor; Manobo, Aromanen , mula sa hilagang Cotabato; Manobo Tigwahanon, mula sa Bukidnon; Agta Dumagat Umiray, mula sa ilang bayan sa probinsya ng Quezon; Isinay, mula sa Nueva Bizcaya, at; Abellen, mula sa ilang bayan sa Zambales.
Ilan sa nagawaran ng Selyo ng Kahusayan sa timpalak ng parangal ng KWF at ang Department of Education Region 5, National Council on Disability Affairs (NCDA), Metro Manila Development Auhtority (MMDA), Department of Interior and Local Government (DILG).
MA. LUISA GARCIA