UMABOT na sa 35% ng mga pamilyang Pilipino ang hindi nakakakain ng masustansiyang pagkain.
Ito ang ikinabahala ni Anakalusugan Party-list Representative Ray Reyes matapos maiulat ng national nutrition council ang nasabing porsiyento.
Ayon sa mambabatas, bukod sa pagkagutom ay hindi rin abot-kaya ng lahat ang presyo ng mga masustansiyang pagkain sa Pilipinas.
Dahil dito, itinutulak ni Reyes ang panukalang Zero Hunger Act o House 2189, na naglalayong maglatag ng mga programa upang mabura ang kagutuman sa bansa sa 2030. Sa ilalim ng panukala, itatayo ang Commission on the Right to Adequate Food, na siyang magiging primary policy-making at coordinating body sa pagtugon sa kawalan ng makain at iba pang katulad na isyu.
-DWIZ 882