CAMP AGUINALDO – UMAABOT sa 326 katao ang napatay sanhi ng mga terrorist incidents noong nakaraang taon, ayon sa 2018 Global Terrorism Index (GTI), na inilabas ng Institute for Economics and Peace.
Ito na ang pinakamataas na bilang na naitala mula taong 2002 dahilan upang maitala ang Filipinas na mabilis na lumubong terrorism deaths sa buong mundo.
Ayon sa GTI, itinuturing nila na ang communist New People’s Army ang pangunahing grupo na siyang nasa likod ng 113 pagpatay o katumbas ng 35 percent killed in terrorist incidents, sinundan ito ng mga pagpatay na inuugnay mula sa walang umakong pag-atake at mga pagpatay na inako naman ng Abu Sayyaf Group.
Sa latest GTI report, nasa ika-10 ngayon ang Filipinas sa mga bansang sinisira ng terorismo.
Ayon pa sa international peace and conflict think tank umakyat ang Filipinas mula sa pangwalong puwesto at ngayon ay nasa pang-10 sa 2018 Global Terrorism Index (GTI).
Sa nasabing pag-aaral ibinase ng GTI ang bilang ng mga terrorist incidents sa bansa bilang ng mga namatay sa nasabing insidente at gaano ang naging epekto nito physically at psychologically.
Napag-alaman pa na sa hanay ng “emerging hotspots of terrorism,” ang Filipinas lamang ang natatanging bansa sa Southeast Asia na nasa top 10, na pinangungunahan ng Iraq.
Kabilang sa top 10 ang Afghanistan, Nigeria, Syria, Pakistan, Somalia, India, Yemen, at Egypt.
Kabilang sa pinakagrabeng atake na naitala ang Marawi City siege na tumagal ng limang buwan.
Kaugnay nito sinabi ni security analyst Rommel Banlaoi, maiuugnay ang serye ng mga terrorist incidents ay dahil sa long-running insurgencies na inilulunsad ng CPP-NPA at mga Muslim militants. VERLIN RUIZ
Comments are closed.