35 POLICEWOMEN FIRST-AIDER SA BALIK-ESKUWELA

POLICEWOMAN

CAMP CRAME – TATLUMPU’T LIMANG babaeng pulis ang nagtapos sa first-aid refresher course sa Camp Crame kahapon upang sumabak sa Balik-Eskuwela program ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac, ang 35 mga babaeng pulis na ito ay kabilang  sa 48 pulis na  dalawang araw na nagsanay bilang bahagi ng pag­hahanda ng PNP para sa nationwide School ope­ning sa Hunyo 3.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng PNP Headquarters support Service (HSS) sa pamumuno ni PBGen Rene Pamuspusan, at ng PNP Health Service sa pamumuo ni PBGen John Luglug.

Ayon kay PCol Antonino Cirujales, Deputy Director for Operations ng HSS, layunin ng pagsasanay na mapaangat pa ang kaalaman sa first aid ng mga pulis bilang first responders sa anumang emergency.

Matatandaang sinabi ni PNP Chief Police Ge­neral Oscar Albayalde na bilang bahagi ng Oplan Ligtas Balik-Eskuwela 2019 ay magde-deploy ang PNP ng police assistance desks sa bisinidad ng mga paaralan at mga transport hubs para ru­mesponde sa anumang emergency ng mga mag-aaral. REA SARMIENTO

Comments are closed.