35 PULIS GUMALING SA COVID-19

covid

INIULAT na 35 pulis ang gumaling sa nakahahawang  coronavirus disease sa Filipinas.

Dahil dito, 10,075 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa nakahahawang sakit

Nasa 28 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (February 11), 10,586 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 481 ang aktibo pang kaso.

Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19 kaya 30 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Comments are closed.