35 SASAKYAN NAHULI NG MMDA SA NAIA

UMAABOT  sa 35 ang bilang ng mga sasakyan ang nahuli sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng pinagsanib na mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Metropolitan Development Authority (MMDA), sa ikinasang clearing operation laban sa mga illegally -parked vehicles sa loob ng paliparan.

Pinangunahan ni MMDA clearing operations head Col. Edison Bong Nebrija ang naturang operasyon.

Hinatak ang mga sasakyan at inisyuhan ng ticket ang mga nahuling kolorum at ilang habal-habal na naghihintay sa loob ng paliparan.

Nasa 16 mga sasakyan ang dinala ng mga tauhan ng MMDA sa kanilang impounding area, at ayon sa mga ito, mailalabas ito kapag nagbayad ng kaukulang penalty ang may ari.

Maliban sa tauhan ng MMDA at MIAA, kaagapay rin ang Pasay City LGU, I-Act at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa operasyon na isinagawa upang maibsan ang sobrang traffic sa NAIS.

Naisagawa ang hakbang na ito, resulta sa napagkasunduan sa diyalogo noong Disyembre 28, 2022 sa pagitan ng dalawang ahensiya ng pamahalaan. Froilan Morallos