PUSPUSAN na ang proseso para sa paghahanap ng 350 na health workers ng Japan government at katunayan nito ay patuloy ang kanilang koordinasyon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) hinggil sa kailangan nilang 50 Filipino nurses habang 300 pa ang careworkers.
Sa anunsyo ng POEA, agad makipag-ugnayan ang interesadong aplikante sa Japan International Corporation of Welfare Services (JICWELS).
Una na itong inanunsyo noong isang Linggo subalit ayon sa health authorities ng Japan ay dapat iproseso na ang pagkuha ng Filipino health workers.
Kabilang naman sa qualification ay dapat tapos ng Bachelor of Science in Nursing at may aktibong PRC License; may tatlong taon nang karanasan bilang hospital worker, at para sa caregiving, dapat ay tapos ng apat na taong kurso at isumite ang TESDA National Certificate II in Caregiving (NC II).
Kailangan din na nakakumpleto ng six-month onsite Japanese language training at sumailalim sa on-the-job training.
Kabilang din sa requirement ay nakapasa sa licensure examination sa Japan na tatlong beses. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.