353 PA GUMALING SA COVID-19

DOH

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 1,524 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, hanggang 4PM ng Oktubre 27, 2020.

Batay sa case bulletin na inisyu ng DOH, sa kabuuan, 373,144 na ang naitatalang COVID-19 cases sa Filipinas.

Pinakamaraming naitalang bagong kaso ng sakit sa Negros Occidental na nasa 115, Cavite na nasa 76, Benguet na nasa 72, Quezon City na nasa 67 at Laguna na nasa 65.

Nabatid na mayroon din 353 karagdagan pang gumaling na pasyente at 14 ang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 10.0% (37,489) ang aktibong kaso, 88.1% (328,602) na ang gumaling, at 1.89% (7,053) ang namatay.

Sa mga aktibong kaso naman, 93.8% ang mild at asymptomatic, 4% ang kritikal at 2.2% ang severe.

Mayroon  namang 10 duplicates ang tinanggal mula sa total case count, kabilang dito ang apat na recovered cases.

Mayroon limang kaso na unang iniulat na nakarekober ngunit malaunan ay binawian na pala ng buhay.

Mayroon 15 laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) ng DOH hanggang nitong Oktubre 26, 2020. ANA ROSARIO HERNANDEZ  

Comments are closed.