353 PROSEC TUTUTOK SA MEDIA KILLINGS

Justice Secretary Menardo Guevarra

ITINALAGA  ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang 353 prosecutors sa iba’t ibang bansa upang tutukan ang mga insidente ng media killing.

Salig sa department order na inisyu ni Guevarra,  hahawakan ng mga itinalagang piskal ang mga kasong nasa ilalim ng Presidential Task Force on Media Security.

Sa ilalim ng bagong assignment, pangungunahan ng 353 prosecutors ang Special Investigation Task Groups alinsunod sa utos ni Pangulong Duterte para malutas ang mga kaso ng media killings sa bansa.

Ang mga prosecutor ay dati nang itinalaga para imbestigahan ang mga kaso na itinalaga ng Inter-Agency Committee on Extra-Legal Killings, Enforced Disappearances, Torture and other Grave Violations of the Right to Life, Libert and Security of Persons na nilikha ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa ilalim ng Administrative Order Number 35 noong 2012.

Kumpiyansa ang DOJ na maigagawad na rin ang hustisya sa pagkakatalaga ng mahigit 300 piskal upang resolbahin ang mga kaso ng pagpaslang sa mga kagawad ng media. TERESA TAVARES

Comments are closed.