MAKATI CITY – NASAGIP ang nasa 36 na kababaihan sa magkahiwalay na sex den at apat na kalalakihan ang arestado nang magsagawa ng pagsalakay ang mga miyembro ng pulis noong Biyernes ng gabi at madaling araw ng Sabado sa lungsod na ito.
Unang sinalakay ng pulis ang isang SPA na matatagpuan sa Barangay Bangkal, Makati City dakong 11:15 ng gabi kung saan 11 babae ang nasagip.
Isang pulis ang nagpanggap na customer at nagbayad ng P2,500 kapalit ng pakikipagtalik sa isa sa mga nasagip na babae.
Isang babaeng masahista pa umano ang nahuli rin ng pulisya habang ito ay nakikipagtalik sa kanyang customer.
Kasunod namang sinalakay ng pulisya ang isang café restaurant na ginagawang front ng prostitution dakong 12:15 ng madaling araw sa Barangay San Isidro at nasagip ang nasa 25 na kababaihan.
Nagresulta ang pagkakasagip sa may 25 na kababaihan matapos na maaresto ang umano’y nagbabantay ng cafe na si Rafael Rosales, 42-anyos, makaraang magbayad ng P3,000 ang pulis kapalit din ng pakikipagtalik sa isa sa mga nasagip na babae.
Nahuli rin sina Rodolfo Robles, 38-anyos, ar Josua Rivera, 29-anyos na mga nagsisilbing bugaw.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 at dinala naman ang mga nasagip na mga babae sa Women’s Desk ng Makati City Police Station. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.