36 ESTUDYANTE NAHIRAPANG HUMINGA SA KEMIKAL

hospital

CAGAYAN – INIIMBESTIGAHAN na ng awtoridad  ang sinapit ng 36 mag-aaral ng Gadu National High School na isinunod sa ospital matapos na makalanghap ng isang kemikal sa bayan ng Solana.

Ayon kay PSgt. Joffrey Mabatan ng PNP-Solana, habang nasa loob ng paaralan ang mga grade 12 student nang makalanghap ng kemikal mula sa hindi mabatid na lugar na sanhi ng kanilang pagkahilo.

Kaagad na dinala ang mga estudyante ng mga Rescue Team Solana sa isang pribadong pagamutan sa Lungsod ng Tuguegarao kung saan dalawang babae na lamang ang inoobserbahan hanggang sa kasalukuyan.

Sa imbestigasyon ng PNP-Solana, mismong laboratory room ng paaralan ay wala naman silang nakita o naamoy na kakaibang bagay sa nasabing laboratoryo.

Dahil dito, sinabi ni Mabatan na maaaring mula rin sa mga estudyante ang naturang kemikal na naamoy ng mga biktima, at patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya maging ang nasabing paaralan para mabigyang linaw kung ano at saan nanggaling ang kemikal na sanhi ng naturang insidente. IRENE GONZALES