BULACAN- UMABOT sa 36 na Chinese National mula sa 79 na intsik na nagtatrabaho sa isang kumpanya sa Sitio Complex ng Brgy, Sto.Cristo San Jose del Monte ang dinakip ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation Bulacan District Office at Bureau Immigration.
Sa inisyal na report ni NBI Buldo Provincial Director Ruthen Mendoza, una na silang nakatanggap ng intelligence report kaugnay sa mga chinese na umanoy illegal na nagtatrabaho sa Shanxi Hydraulic Engineering Bureau LTD na pinatatakbo ng mga Chinese sa lugar.
Nabatid na Hulyo 17 nang ilabas ng BI ang Mission Order para sa berepikasyon ng mga chinese sa nabangit na kumpanya.
Lumitaw sa imbestigasyon ng NBI sa naturang bilang bukod 36 na undocuments ay wala rin silang working permits.
Habang ang 23 intsik naman ang nakadeklara bilang mga turista subalit nagtatrabaho rin umano sa kumpanya.
Samantala, kasong paglabag sa immigration law at paglabag sa RA 9208 na Anti-trafficking of person Act of 2003 ang kakaharapin ng mga ito. THONY ARCENAL