Tatlumpu’t anim na lugar sa Pilipinas ang makararanas ng nakapapasong temperatura na aabot sa 47 degrees Celsius (°C) ngayong Lunes,.
Iniulat ng state weather bureau PAGASA sa pinakahuling heat index bulletin nito na 36 na lugar sa bansa ang isasailalim sa “dangerous” heat index classification, na may temperaturang mula 42°C hanggang 47°C.
Ang Dagupan City sa Pangasinan ay maaaring makaranas ng heat index na aabot sa 47°C.
Noong Linggo, umabot sa 53°C ang heat index sa Iba, Zambales sa ilalim ng “extreme danger” classification, sa unang pagkakataon na naitala ang nasabing classification ngayong taon.
Ang mga sumusunod na lugar ay inaasahang makakaranas ng “delikadong” heat index classification sa Lunes:Garden Quezon City, Metro
- Manila: 42°C
- Iba, Zambales: 42°C
- Clark Airport (DMIA), Pampanga: 42°C
- CLSU Muñoz, Nueva Ecija: 42°C
- Cubi Pt., Subic Bay Olongapo City: 42°C
- Sangley Point, Cavite: 42°C
- Legazpi City, Albay: 42°C
- CBSUA-Pili, Camarines Sur: 42°C
- Roxas City, Capiz: 42°C
- Mambusao, Capiz: 42°C
- Dipolog, Zamboanga Del Norte: 42°C
- Davao City, Davao Del Sur: 42°C
- Butuan City, Agusan Del Norte: 42°C
- NAIA, Pasay City: 43°C
- MMSU, Batac, llocos Norte: 43°C
- NVSU Bayombong, Nueva Vizcaya: 43°C
- Ambulong, Tanauan Batangas: 43°C
- Puerto Princesa City, Palawan: 43°C
- Virac (Synop), Catanduanes: 43°C
- Iloilo City, Iloilo: 43°C
- Guiuan, Eastern Samar: 43°C
- Zamboanga City, Zamboanga Del Sur: 43°C
- Sinait, Ilocos Sur: 44°C
- Casiguran, Aurora: 44°C
- Coron, Palawan: 44°C
- San Jose, Occidental Mindoro: 44°C
- Aborlan, Palawan: 44°C
- Dumangas, Iloilo: 44°C
- Bacnotan, La Union: 45°C
- Tuguegarao City, Cagayan: 45°C
- ISU Echage, Isabela: 45°C
- Baler (Radar), Aurora: 45°C
- Aparri, Cagayan: 46°C
- Dagupan City, Pangasinan: 47°C
Dahil sa matinding init ng panahon ay idineklara ng Department of Education na asynchronous ang lahat ng etudyante sa publiko sa buong bansa ngayong Lunes hanggang bukas, bukod pa sa bantang strike ng jeepneys dahil sa modernisasyon.
MA. LUISA MACABUHAY GARCIA