36 PANG CHINESE POGO WORKERS IDINEPORT

POGO

SINABI kahapon ng Chinese Embassy sa Manila na 36 pang Chinese nationals na nagtrabaho para sa isang illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub ang idineport. 

Umalis sila sa bansa na may Philippine police escorts noong Oktubre 13.

“This is the latest step in China-Philippine law enforcement cooperation against POGOs,” pahayag ng Embassy sa isang statement.

“The Chinese Embassy will continue its support in China-Philippine law enforcement cooperation to safeguard healthy social economic and people-to-people exchanges between the two countries,” dagdag pa nito.

Ang deportation ay kasunod ng isinaga- wang pagsalakay ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) noong nakaraang Agosto 1 sa Rivendell Global Gaming Corporation sa Pasay City.

Sa kahilingan ng PAOCC, kinilala ng embahada ang mga Chinese national sa hanay ng mga empleyado at inisyuhan sila ng travel documents.

Ayon sa embahada, ang initial batch ng POGO-employed Chinese workers ay idineport sa China noong Sept. 22.

(PNA)