36 TRADERS NAGPASIKAT SA CHRISTMAS BAZAAR

BINUKSAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pagpapailaw ng higanteng Christmas tree at fireworks display sa Navotas Citywalk at Amphitheatre, kasabay nito ang pagppasikat ng may 36 negosyanteng Navoteño na nagtayo ng kanilang mga paninda na bukas hanggang Disyembre 22, 2022.

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang lighting ceremony gayundin ang ribbon-cutting ng Navotas Christmas Bazaar.

Kasabay nito, hinikayat ang mga Navoteños na suportahan at i-patronize ang mga lokal na negosyo upang makatulong na mapalakas ang ekonomiya ng lungsod.

Binuksan na rin ng Public Employment Service Office (PESO) Helpdesk at NavoProdukto Corner sa Navotas City Hall Lobby.

Ang PESO Helpdesk ay nagbibigay ng impormasyon sa mga Navoteño na naghahanap ng trabaho at mga aspiring entrepreneur sa mga serbisyong inaalok nito at sa mga programa ng NavotaAs Hanapbuhay Center tulad ng Tulong Trabaho, Tulong Puhunan, at iba pa.

Tampok naman sa NavoProdukto Corner ang mga produktong gawa at ginawa sa Navotas tulad ng fish paste o bagoong, fish sauce o patis, dried anchovy chips, dried squid, at canned seafood. VICK TANES