360 BAGONG KASO NG COVID-19

NASA 360 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas sa araw ng Lunes, Disyembre 13.

Sa huling datos ng Department of Health), pumalo na sa 2,836,803 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 11,083 o 0.4 porsiyento ang aktibong kaso.

Nasa 4,292 sa active COVID-19 cases ang mild; 782 ang asymptomatic; 3,662 pasyente ang moderate; 1,948 ang severe habang 399 ang nasa kritikal na kondisyon.

61 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 50,341 o 1.77 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 519 ang gumaling pa sa COVID-19 kaya umakyat na sa 2,775,379 o 97.8 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.