INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 398,449 ang kabuuang bilang ng naitatalang (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala pa ang ahensiya ng 2,058 na bagong kaso ng COVID-19 hanggang 4PM nitong Nobyembre 9.
Batay sa case bulletin na inisyu ng DOH, kabilang sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Rizal na may 103 new cases, kapwa naman may 81 new cases ang Davao City at Maguindanao, may 77 new cases naman ang Quezon City, at 76 new cases sa Cavite.
Samantala, may naitala namang 182 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH kaya’t umaabot na ngayon sa 361,784 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus.
Mayroon namang 108 na bagong nasawi dahil sa virus sanhi upang umabot na sa 7,647 ang COVID-19 death toll sa Pilipi-nas. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.