3,618 HEALTH VIOLATORS, 28 KRIMINAL NASAKOTE

CAVITE – UMAABOT sa 28 suspek sa iba’t ibang krimen ang inaresto habang 3,618 violators ng health protocols ang nalambat ng mga operatiba ng pulisya sa loob lamang ng 24-oras sa lalawigang ito.

Base sa police report mula sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, naitala ang 16 tulak ang nasakote sa serye ng buy-bust operations kung saan nasamsam ang 35 plastic sachets na shabu, isang sachet na marijuana at mga drug paraphernalia.

Samantalang aabot naman sa apat na wanted persons kabilang ang dalawang most wanted na may mga warrant of arrest ang nalambat.

Habang 3 katao na naaktuhan sa illegal card game sa bayan ng Tanza, Cavite ang inaresto habang lima katao naman na may mga kasong kriminal ang dinampot.

Gayundin ang 3,618 violators ng health protocols tulad ng ‘no face mask’, lumabag sa social distancing, mass gathering at curfew hours ay binitbit sa presinto kung saan ang karamihan ay pinagmulta habang ang iba naman ay pina-police blotter at binalaan. MHAR BASCO