365 BOTANTE NA-ALTAPRESYON SA PRESINTONG YARI SA TOLDA

QUEZON CITY – NAITALA naman ang 365 pasyente sa katatapos na Barangay and Sangguniang Kabataang Elections (BSKE) sa Quezon City.

Bunsod ito ng mainit na panahon lalo na’t may naita­lang sa nagtayo lamang ng mga tent ang ilang paaralan bilang presinto partikular sa ­Barangay Bagong Silangan.

Aabot naman sa 3,430 ballot boxer ang nagamit sa lungsod.

Sa La Loma Police sa ilaim ni Supt.  Robert Sales,  na may mga nasasakupang barangay at bilang na botante sa Brgy. Apolonio Samson na may  13,000 at Brgy. Ba­lingasa na may 9,000 voters;  Brgy. Manresa 8,237, Sto. Domingo 5,550.

Habang sa Masambong Police sa ilalim ni Supt. Carlito Mantala, na ang Brgy. Bagong Pag Asa na siyang pinaka­malaking barangay na nasasakupan ay may 13,883 na bilang ng mga botante.

Sa Novaliches Police sa ilalim ni Supt.  Carlito Grijaldo na ang pinakamalaking ­barangay ay Brgy. San Bartolome ay may bilang ng botante na 40,492.

Samantala, eksaktong alas-3:00 ng hapon ay natapos ang botohan sa Maynila at ayon kay Chief Supt. Joel Coronel, hepe ng Manila Police District, na naging mapayapa ang halalan sa kanilang lugar bagaman nagkaroon lamang ng kaunting iringan dahil sa nawawalang pangalan. PAULA ANTOLIN

 

Comments are closed.