365K PUNO TARGET ITANIM NG GCASH FOREST

GCASH FOREST

ANG MGA Pinoy na nais makapag-ambag sa environmental preservation ay kumbinyente nang makagagamit ng innovative mobile phone app upang makatulong sa pagtatanim ng mga puno.

Ipinakikilala ng na­ngungunang mobile wallet, ang GCash, ang exciting ‘green’ feature sa app na tinatawag na GCash Forest, ay nagpapahintulot sa mga subscriber na magtanim ng virtual trees na magkakaroon ng real-life counterparts. Sa pagtatapos ng 365 araw, layunin ng GCash Forest na makapagtanim ng 365,000 puno sa tulong ng GCash subscribers.

Ayon sa Forest Management Bureau (FMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang Filipinas ay nawawalan ng 47,000 ektaryang forest cover kada taon. Iniulat din ng FMB ang pangangailangan na i-rehabilitate ang 1.2 million hectares ng forest lands pagsapit ng 2022 upang maiwasan ang landslides o pagguho ng lupa, matiyak ang water availability, at mapangalagaan ang biodiversity.

“GCash Forest is about making it easier, more convenient, and even rewarding for everyone to take care of our environment for the benefit of future generations,” wika ni Mynt CEO Anthony Thomas. “GCash is no longer just providing an excellent platform for accessible financial products and services but also enabling Filipinos to be more active in responding to real-life issues, such as climate change mitigation through reforestation.”

Ang GCash Forest ay itinuturing ng GCash na ‘last mile initiative’ na ga­nap na kikilala sa paglutang ng isang all-digital Filipino lifestyle.

Upang ipatupad ang kanilang tree-planting initiatives, ang GCash Forest ay nakipag-partner sa DENR, World Wildlife Fund (WWF) at sa Biodiversity Finance Initiative (BIOFIN). Ang DENR ang magkakaloob ng land resources sa Ipo Watershed, isang mahalagang bahagi ng Angat-Umiray-Ipo watersheds system na nagsu-supply sa 98 percent ng tubig sa Metro Manila. Ang WWF naman ang magkakaloob ng mga puno at manpower, habang ang BIOFIN ang magbibigay ng expertise sa monitoring.

“To plant trees through GCash Forest, GCash users need to collect ‘green energy’ by frequently using the app. Users who get enough green energy can choose which species of trees they want to plant in a selected area at the Ipo watershed. Once the trees are physically planted, users get to receive a certificate of ownership with a serial number, fun facts and updates on the growth of their trees on their GCash apps.”

“Many Filipinos, especially the younger ones, care about the environment but a lot of them don’t know how they can actively take part in environmental protection. This is a barrier that GCash Forest addresses because they only need to use their smartphones—an already integral part of their daily lives—to make a difference,” dagdag pa ni Thomas.

Comments are closed.