3,669 TELECOM TOWER PERMITS APRUB NA SA LGUs

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na mahigit na sa 3,600 permits at clearances para sa pagtatayo ng mga cell towers na inihain ng 10 telecommunications companies, ang inaprubahan ng may 492 local government units (LGUs) sa buong bansa.

Ayon kay Año, kabuuang 3,669 telecommunications tower permits na ang naaprubahan ng mga LGU habang mayroon pang 860 pending applications na minamadali para maaprubahan na rin.

“Ang natitira po ngayong pending applications ay 860 na mga towers po na pipilitin nating ma-approve kaagad para makatulong po ang mga infrastructure towers na ito sa ating komunikasyon lalong-lalo na po na ang ating mga mag-aaral ay gumagamit ng ang sinasabi nating online education,” dagdag pa sa DILG chief.

Matatandaang una nang inatasan ng pangulo ang mga LGUs at iba pang concerned agencies na ipasilidad ang agarang pag-apruba sa aplikasyon para sa pagtatayo ng mga telecommunications towers.

Ang DILG, Anti-Red Tape Authority (ARTA) katuwang ang iba pang national government agencies (NGAs), ay nagkasundo naman na i-streamline ang documentary requirements at processing time para sa building permit applications sa mga shared passive telecommunications tower infrastructure. EVELYN GARCIA

108 thoughts on “3,669 TELECOM TOWER PERMITS APRUB NA SA LGUs”

  1. I would like to thank you for the efforts you’ve put in penning this
    website. I really hope to view the same high-grade content
    by you later on as well. In fact, your creative writing
    abilities has encouraged me to get my very own website now 😉

  2. 291867 784592Its a shame you dont have a donate button! Id without a doubt donate to this brilliant blog! I suppose for now ill settle for book-marking and adding your RSS feed to my Google account. I appear forward to fresh updates and will share this blog with my Facebook group. Chat soon! 208684

Comments are closed.