36K PULIS IKAKALAT SA COC FILING

AABOT sa 36,000 ang ipapakalat ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa para magbigay ng seguridad sa pagsisimula ng filling ng Certificate of Candidacy para sa May 2025 Election.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, asahan na rin ang kaliwa’t kanang boarder control at check point operations bilang bahagi ng seguridad.

Una nang inatasan ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang kanilang mga ground commander na tukuying ang mga lugar na may mainit na labanan ng pulitika

Pinababantayan na rin ang mga potential private armed groups na maaring magamit sa karahasan sa nalalapit na halalan.

Samantala, nanawagan si Fajardo sa publiko na magtiwala sa electoral process habang pinahupa ang mga kababayan dahil fiing lang naman ang magaganap ngayong araw.

“We want to appeal everyone particularly doon sa ating mga kandidato, let us trust the electoral process, let us appeal sa ating mga kababayan at sa kanilang mga kaanak at kanilang mga supporters na filing pa lang naman ito ng candidacy at hayaan natin na magwagi dito yung boses ng ating mga kababayan,” ayon kay Fajardo.

EUNICE CELARIO