37 PRESO SA NBP NAGTAPOS SA KOLEHIYO

MUNTINLUPA CITY – NASA 37 preso ng New Bilibid Prison (NBP) ang nagtapos sa kolehiyo mula sa University of Perpetual Help Bilibid Extension School Medium Security compound,  Camp Sampaguita sa Muntinlupa City kahapon.

Dumalo si Bureau of Corrections (BuCor) director, Retired Ge­neral  Ronaldo Dela Rosa sa ika-29  graduation exercise na isinagawa sa loob ng naturang  bilangguan.

Nasa 18 inmates ang nagtapos ng kursong Bachelor of ­Science Entrepreneurship  at 19 naman ang nagtapos sa Computer Hardware Servicing Course.

Kung saan apat na taon din ang binuno ng mga preso para matapos ang nabanggit na mga kurso.

Ang graduation ng mga preso ay pinangunahan nina University of   Perpetual Help Pre­sident Anthony Tamayo; mga kina-tawan ng NBP at Department of Justice (DOJ) kabilang ang mga extension faculty at mga staff.

Ang extension school ay isa sa ­nangungunang corporate social responsibility program ng Perpetual Help University bukod pa sa Mangyan Mission School sa Abra de Ilog sa Occidental Mindoro. MARIVIC FERNANDEZ

 

 

Comments are closed.