ILOCOS NORTE – UMAABOT sa 370 desktop computer units ang ipinamahagi ng provincial government ng lalawigang ito sa public schools kasabay ng selebrasyon ng World Teachers’ Day at pagbubukas ng mga eskuwelahan.
Malugod na tinanggap ng Schools Division ng Ilocos Norte ang desktop computers sa pangunguna nina Atty. Saul Lazo, chairman ng Committee on Education; Dr. Joann Corpuz, Schools Division Supt.; Dr. Joye Madalipay, Asst. SDS; Dr. Lloyd Rosquita, SDOIN chief education supervisor; Dr. Dany Daquioag, provincial education consultant at district supervisors.
“We are forever grateful to the provincial government sa pangunguna ni Governor Matthew Marcos Manotoc as well as the Sangguniang Panlalawigan for the continuing assistance and support that they give to Schools Division of Ilocos Norte,” ani Corpuz.
“I am sure that these desktop computers will help in this new normal that we will all undertake, and I hope that we are able to continue to give our kids the education that they deserve,” pahayag naman ni Manotoc.
Nabatid na prayoridad ang public elementary schools na bigyan ng bagong desktop computers kasunod ang secondary schools.
Nangako ang Ilocos Norte provincial government na gagamitin ang Special Education Fund sa pagbili ng karagdagang learning devices tulad ng xerox machines at tablets para makatulong sa ipinatutupad na blended learning sa nasabing lalawigan. MHAR BASCO
Comments are closed.