NASA 37,070 ang napaulat na kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas sa huling datos ng Department of Health (DOH) Lunes ng hapon.
Dahil dito, pumalo na sa 3,242,374 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 290,938 o 9.0 porsiyento ang aktibong kaso.
9,187 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 277,020 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,947 ang moderate, 1,480 ang severe, habang 304 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 23 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 52,929 o 1.63 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 33,940 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,898,507 o 89.4 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.