CAVITE -KULUNGAN ang binagsakan ng 28 suspek sa ibat ibang krimen habang naitala naman ang 3,703 katao na lumabag sa minimum public health standards (MPHS) protocols sa nakalipas na 24-oras sa lalawigang ito kahapon.
Umaabot sa 19 drug personalities ang inaresto sa isinagawang serye ng anti-drug operation kung saan nasamsam ang 33 piraso ng transparent plastic sachets na shabu, 8 plastic sachet na dried marijuana at mga drug paraphernalia.
Tatlong wanted persons din ang ang inaresto ng mga operatiba ng pulisya by virtue of warrant of arrest kabilang ang Top 4 Most Wanted Person Provincial Level kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9165.
Samantala, sa kampanya laban sa illegal gambling ay naaresto ang 3 sugarol sa Bacoor City kung saan nakumpiska ang P500 bilang bet money at playing cards.
Habang inaresto rin ang tatlo suspek sa mga kasong reckless Imprudence resulting sa Homicide sa General Trias City, pagnanakaw through shoplifting sa Bacoor City, at falsification of public documents at paglabag sa RA 11332 sa bayan ng Rosario, Cavite.
Gayundin, inaresto ang 3,703 katao sa paglabag sa health protocols kung saan naitala ang 1,118 residente na walang suot na face mask; habang 1,893 katao naman ay improper wearing face mask; 354 din ang inaresto sa paglabag sa curfew hours at umabot naman sa 338 ang lumabag sa social distancing.
Patuloy ang pinaigting na kampanya ng Cavite PNP laban sa publiko na lumalabag batas at sa ipinatutupad na health protocols ng IATF MPHS para mapanatili ang katahimikan sa nasabing lalawigan. MHAR BASCO