UMAABOT na sa 38 empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mayroong active COVID-19, ayon sa naging pahayag ng pamunuan ng ahensiyang ito.
Mula sa buwan ng Marso ay nakapagtala ang kanilang opisina ng 57 COVID-19 positive na mga empleyado, 19 dito ang fully-recovered.
Upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus sa kanilang opisina, agad na nagsagawa ang MIAA ng libreng rapid testing sa 294 kawani at sa naturang bilang 283 ang rapid test negative.
Samantalang ang 11 empleyado na nag- positive sa rapid test ay agad namang sumailalim sa confirmatory RT-PCR (swab) test bilang pagsunod sa health protocol.
Ipinag-utos din sa 11 empleyado na nagpositibo sa COVID-19 na mag-report sa kanilang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) para sa PCR test.
Habang naghihintay ang empleyado ng PCR tests result, pinauwi muna ang mga ito upang mag-self quarantine sa loob ng 14 araw.
Kaugnay nito ay ipinagbibigay alam sa 6,462 organic at non-organic ng MIAA na mag-avail ng libreng rapid test partikular na ang mga frontliner na vulnerable sa COVID-19.
Ang libreng rapid testing ay isinasagawa sa check-in area ng NAIA terminal 4. FROI MORALLOS
Comments are closed.