PARAÑAQUE CITY – DUMATING na sa bansa ang 38 overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia.
Ang OFW ay dalawang buwang tinulungan ng pamahalaan nang mawalan ng hanapbuhay.
Nanguna si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator Mocha Uson para salubungin ang 38 repatriates na dumating sa Ninoy Aquino International Airport lulan ng Kuwait Airways.
Habang sa Martes ay paparating na rin ang 22 iba pang nawalan ng hanapbuhay sa Jeddah.
Ang mga nagsiuwing OFWs ay kabilang sa 80 Filipinos na nagtrabaho bilang visual merchandizer sa KSA subalit natanggal nang tumangging magtrabaho bilang cleaner.
Inamin ng mga dumating na OFW na gutom ang inabot nila dahil dalawang buwang walang hanapbuhay kaya nagpasaklolo sa isang OWWA case officer. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM