38 Years of the only Peaceful Revolution in the World

Ilang bansa ang nagtangkang magsagawa ng mapayapang pag-aaklas, ngunit lahat sila ay nabigo.

Tanging sa Pilipinas lamang ang nagtagumpay na walang dumanak na dugo.

Ang kwento ko ay paulit-ulit ding ikinukwento sa akin ng aking ina, dahil memorable talaga ang February 25 lalo na sa akin, dahil dapat ay magdiriwang ako ng aking first birthday nang mga panahong iyon. February 27 ang birthday ko.

Nakatira kami noon sa 20th Ave., East Rembo, Makati City, at ang mayor daw noon ay si Nemesio Yabut. Syempre, hindi ko na siya kilala dahil Binay na ang inabot ko. Besides, sa Nasugbu ako lumaki. Bumalik lamang ako sa Makati noong 2008.

Talking about EDSA People Power Revolution, muli itong inalala few days ago. At naalala ko uli ang vivid story ng mommy ko tungkol dito. Magbi-birthday ako at plano raw sana namingmagsimba at kumain sa Jollibee dahil walang budget sa party. Pero napurnada ang plano dahil nagkaroon nga ng kaguluhan. Sa buong Fort Bonifacio, nakahilera raw ang mga tangkeng pandigma, at umiikot ang mga helecopters na gustong gustong magbagsak ng bomba.

Dahil mga sundalo at kanilang mga pamilya ang nakatira sa mga lugar ng EMBO, nasal abas din ang halos lahat ng residente sa bawat bahay. Ang nakapagtataka, suportado nila si dating pangulong Ferdinand Marcos. Galit na galit sila kina noo’y AFP chief Fidel Ramos at Defense secretary Juan Ponce Enrile dahil traydor umano ang mga ito. Gustong gusto na nilang magbagsak ng bomba sa mga nagra-rally ngunit ayaw raw ni “Apo.” Sinabi umano sa kanila ni “Apo” na hindi ang mga Filipino ang tunay na kaaway kaya hindi sila dapat saktan. Napilitan silang sumunod dahil malaki ang respeto nila kay ‘Apo’ kaya nanatiling peaceful ang pag-aaklas, hanggang sa lisanin na nga ng pamilya Marcos ang Malakanyang.

Sa madaling sabi, walang birthday celebration na naganap para sa akin, dahil umuwi kami sa Batangas. In fairness, isinabay na lang daw ang birthday ko sa birthday ng kuya ko na ang birthday naman ay March 7.

Muli, inaalala natin ang isang makasaysayang pangyayari. Tatlumpu’t walong taon na ang nakalipas. Ilang president na ang tumira sa Malakanyang mula noong 1986. Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada Ejercito, Gloria Macapagal Arroyo, Benigno ‘Noynoy’ Aquino, Rodrigo Duterte, at ngayon nga, nakabalik na ang Marcos sa Palasyo sa katauhan ni Ferdinand Marcos Jr., a.k.a. Bongbong Marcos.

Mula nang maupo si Bongbong bilang pangulo ng Pilipinas, wala nang bonggang selebrasyon ng People Power, pero hindi rin niya binawi ang deklarasyon nito bilang special holiday. Naiintindihan natin kung bakit walang bonggang selebrasyon. Obviously, awkward ito para sa Presidente, dahil ibinabalik nito ang alaala ng pag-aaklas sa EDSA noong 1986 – na naging sanhi para maipatapon sila sa Hawaii. Isa ito sa pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay.

Pero bilang respeto sa mga taong gumawa ng kasaysayan sa buong mundo, ina-acknowledge naman niya ang anniversary, at sinabi pa niyang “one with the nation in remembering” ang makasaysayang araw. Sabi pa niya noong isang taon, “I once again offer my hand of reconciliation to those with different political persuasions to come together as one in forging a better society – one that will pursue progress and peace and a better life for all Filipinos.”

Ngayong taon, hindi na special holiday ang February 25, kaya nagrereklamo ang mga democracy advocates dahil bumababa raw ang halaga ng People Power revolution. Ngunit hamak pa ba ang paggagawad ng official government commemoration sa pamamagitan ng National Historical Commission of the Philippines, na nagsagawa ng “simple” ceremony noong Linggo ng umaga sa People Power monument? Hindi ipinagbabawal ni Bongbong ang selebrasyon. Gusto lamang niyang maging simple ito – bilang respeto na rin sa alala ng kanyang amang sa totoo lang ay naging mabuting pangulo rin ng bansa. Naniniwala ako sa kwento ng mommy ko. Kung masama siyang pangulo, baka walang tinatawag ngayong Peaceful Revolution.
Kaye Martin