3,806 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA

INIULAT ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 3,806 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa araw ng Miyerkoles.

Batay sa case bulletin no. 487, sa ngayon ay umaabot na sa 1,485,457 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Filipinas.

Ayon sa DOH, sa naturang bilang, 3.0% na lamang o 44,408 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang ang 90.0% na mild cases, 3.5% ang asymptomatic, 2.8% ang severe, 1.95% ang moderate at 1.7% ang kritikal.

Umaabot naman sa 1,414,817 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na mula sa karamdaman matapos na madagdagan pa ng 6,296 bagong recoveries o 95.2% ng total cases.

Samantala, maging ang mga namatay sa karamdaman ay nadagdagan din ng 140 pa, kaya’t umaabot na ngayon ang COVID-19 death toll ng bansa sa 26,232 o 1.77% ng total cases. Ana Rosario Hernandez

5 thoughts on “3,806 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA”

  1. 404184 855056When I initially commented I clicked the “Notify me when new comments are added” checkbox and now each time a comment is added I get four e-mails with the same comment. Is there any way you can remove people from that service? Cheers! 313849

  2. 317126 76867Hey there. I want to to inquire somethingis this a wordpress weblog as we are thinking about shifting more than to WP. Also did you make this theme on your personal? Thanks. 160502

Comments are closed.