382 PANG OFWS NAKAUWI NA MULA UAE

Sarah Lou Arriola

NASA 382 Pinoy workers, kabilang ang pitong buntis, mula sa United Arab Emirates (UAE) ang nakauwi na ng bansa lulan ng chartered Cebu Pacific flight ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes.

Ito ay sa pamamagitan ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs, Philippine Embassy sa Abu Dhabi at ng Philippine Consulate General sa Dubai.

Ayon sa DFA, ito ang unang repatriation flight mula sa UAE ngayong Agosto.

Ang pagdating ng mga OFW ay inalalayan ng mga kawani ng  pamahalaang lungsod ng Davao, DFA Regional Consular Office  sa  Davao, Department of Health, Overseas Workers Welfare Administration, Philippine Coast Guard  at ng  Davao One Stop Shop team (OSS).

Ang 382 Pinoy workers ay tumanggap ng ayuda na tig-$200.

Bilang pagtalima sa health protocol dahil sa pandemya, ang mga ito ay awtomatikong sasailalim sa RT-PCR COVID-19 tests sa loob ng  48 oras simula sa kanilang pagdating.

Sasailalim din sila sa  quarantine sa pasilidad ng  Davao City  government  at OWWA at muling sasailalim sa pagsusuri pagkatapos ng kanilang  quarantine.

“The DFA and partner agencies continue to work closely together to ensure that our distressed kababayan are repatriated and brought home safely, taking into consideration the interest of public health”, ayon kay  DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Y. Arriola.

Ito na ang ikawalong  DFA-chartered repatriation flight mula sa  UAE simula noong Hunyo ng taong kasalukuyan.

Lima pang DFA-chartered repatriation flights ang nakatakda ngayong buwan mula  sa UAE.  LIZA SORIANO

61 thoughts on “382 PANG OFWS NAKAUWI NA MULA UAE”

  1. 864372 550044Sounds like some thing a lot of baby boomers ought to study. The feelings of neglect are there in several levels when a single is more than the hill. 683605

Comments are closed.