3,822 COPS PASADO SA 2018 LATERAL EXAM PARA SA LINE OFFICERS

PNP

CAMP CRAME – PI­NAIGTING pa ng ­Philippine National Police (PNP) ang kanilang pagpili sa Lateral Program Entry upang kumuha ng Line Officers na itatalaga para sa kanilang internal cleansing program.

Kahapon ay inilabas na ng Directorate for Personnel and Records Ma­nagement (DPRM) ang resulta ng kanilang selection ng  3,822 Police Non-Commissioned Officers na nakapasa sa Written Competitive Examination (WCE).

“Our rigid selection process on the Lateral Program Entry will be part of our preventive component of PNP’s internal cleansing program. We would like to impose added built-in safeguards to ensure transparency and integrity of administrative processes and to eliminate possible opportunities for irregular practices of undue influence, favoritism, fraud and corruption,” ayon kay PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde.

Kabilang sa mga ­nanguna sa pagsusulit ay sina SPO3 Jeremy Tagle mula sa Binangonan Police Station, Rizal Provincial Police Office na nakakuha ng 109 points; SPO3 Jennice M. Ju­malon mula sa Surigao del Norte PPO, PRO 13  na may 107 points; at  PO3 Cris Cristian  Patayon mula sa Panaon Municipal Police Station, Misamis Occidental Province, PRO 10  na may 106 points.

Ang passing rate ay 53.09% para sa 7,199 ­examinees sa limang  testing centers sa buong bansa kung saan which 565 o 14.78%  ng kabuuang nakapasa ay kababaihan at aktibo sa kanilang duty.

Samantala, pinasinayaan din ng PNP ang pagbabasbas ng mga bagong kagamitan  ng  Special Action Force (SAF) at opening ceremony para SAF Commando Course Classes, 85,86,87,88,89 at 90 -2018 sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. EUNICE C.

Comments are closed.