PASAY CITY – AABOT sa 384 katao ang naaresto sa isang linggong simultaneous anti-criminality law (SACLEO) ng Southern Police District sa kanilang 182 operasyon.
Ginawa ang operasyon simula Disyembre 1 hanggang 9.
Sinabi ni SPD Acting district director, Sr. Supt. Eliseo Cruz, na ang operasyon ay ginawa alinsunod sa kautusan ni National Capital Region Police Office Director, Guillermo Eleazar upang linisin ang distrito laban sa drug personalities, wanted persons at iba pang uri ng kriminalidad.
“The operations also aim to intensify reduction of crimes in hotspot areas and notorious criminals by focusing in the serving of warrant of arrest to wanted persons, implementation of search warrant and buy bust operation,” ayon kay Cruz.
Dagdag pa ni Cruz, nagsagawa rin sila ng SACLEO bukod pa sa “usual police interventions” na ginagawa ng bawat police station hanggang police community precinct..
Aniya, nakapokus sila sa warrant of arrest sa mga wanted person, pagpapatupad ng search warrant at buy bust operation, kung saan nakadakip sila ng 166 katao kabilang ang 32 na mula sa search warrant, 67 sa buy bust operation at 68 katao bunsod naman ng warrant of arrest.
Ang SACLEO rin ang susi ng pagkakumpiska ng 283 sachets ng shabu at 0.17 gramo ng marijuana. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.