INIULAT ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 348,698 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 19 (COVID-19) cases na naitala sa bansa.
Batay sa case bulletin na inilabas ng DOH, nakapagtala pa sila ng panibagong 2,261 bagong kaso ng COVID-19 hanggang araw ng Huwebes.
Pinakamarami sa bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 566 new cases, sinundan ng Cavite na may 174 new cases, Pangasinan na may 145 new cases, Northern Samar na may 104 new cases at Quezon na may 98 new cases.
May 385 namang bagong gumaling mula sa virus.
Sa kabuuan ay nasa 294,161 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID- 19 sa bansa.
May 50 namang naitala ang DOH na bagong nasawi dahil sa virus. Sa bilang na ito 34 ay nasawi ngayong Oktubre, 9 noong Setyembre, 5 noong Agosto, 1 noong Hulyo, at 1 noong Hunyo.
Sa ngayon, pumalo na sa 6 497 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.
May 99 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na kanilang nai-report sa patuloy na validation at paglilin-is sa kanilang listahan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.