38K PINOY NAHARANG NG BI SA PAGLABAS SA PHL

Commissioner Jaime Morente-5

MAYNILA- UMAABOT sa  38,000 ang bilang ng mga Filipino na nagnanais lumabas ng bansa ang hindi pinayagan ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa patuloy na kampanya laban sa human trafficking.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nasa 16 percent ang ibi­nababa noong 2019 kung ikukumpara noong 2018.

Ito ay kinabibilangan ng ilang kalalakihan at ang karamihan ay mga babae na pinaniniwalaang mga biktima ng human trafficking syndicates na nag-o-operate sa mga pali­paran.

Sinabi ni Morente na karamihan sa mga ito ay hindi nag-comply o failure to comply sa requirements for overseas bound passengers, kung kayat hindi pinayagang makalabas ng bansa.

Nabatid kay BI-TCEU chief Ma. Timotea Bari­zo, 85 percent o halos 33,000 sa mga pasaherong ito ay naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ang iba ay sa mga airport ng Mactan, Clark, Iloilo, Kalibo, at  Davao.

Aniya, ang iba rito ay na-intercept ng kanyang mga tauhan dahil sa misrepresentation for submitting fraudulent supporting travel documents.

Nasa 400 sa mga biktima ng human trafficking ang agad na inilipat sa opisina  ng IACAT upang sumailalim sa masu­sing imbestigasyon bago sampahan ng kaso ang mga handler o recruiters. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.