38TH BALIKATAN EXERCISES WAKAS NA

ISINARA na nina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Andres Centino, Department of National Defense Officer in Charge USEC Carlito Galvez , United States Ambassador to the Philippine Marykay Carlson ang 38th Balikatan Exercise 2023 .

Ayon kay Centino, malaking tagumpay ang katatapos na joint Balikatan exercise lalo na sa kasundaluhan dahil marami silang natutunang sa mga inilatag na mga pagsasanay at sa mga moderno at makabagong gamit pandigma.

Pahayag naman ni Maj. Gen. Marvin Licudine, direktor ng Balikatan Exercise, nakatulong ang serye ng mga drill upang mapalakas ang security cooperation at interoperability ng Pilipinas at Estados Unidos bilang magkaalyadong bansa.

Sa pamamagitan umano ng ng nasabing war exercises ay napalakas ang kakayahan ng kasundaluhan, capability at domain awareness, maritime and territorial defense gayundin humanitarian assistance and disaster response.

‘In the past few years, we have seen more threats to the region than we have in the past few decades combined. These include challenges to the rules-based international order via provocations in the South China Sea, as well as global issues like climate change, environmental degradation, and water scarcity, pahayag naman ni Ambassador MaryKay Carlson.

Sabi pa ng US envoy, lubhang mahalaga ang sabayang pagsasanay sa pagitan ng US at Philippine Armed Forces bunsod na rin ng mga pagbabago at mga kasalukuyang banta sa rehiyon.
VERLIN RUIZ