Nagkaroon ng governor’s visit at presentation of strategic plans.
At sa pagdiriwang ay nagkaroon din ng 2 recipients ng proyektong Bisyong Pagnenegosyo na tinulungang magkapuhunan sa kanilang negosyo.
Nakasama rin ang ilang mga stakeholders at partners at ang PILIPINO Mirror na nagkaroon ng appreciation award na bigay ng club dahil sa walang sawang suporta.
Nagkaroon din ng induction ang club sa13 bagong miyembro nito.
Naging parte din ng programa ang pirmahan ng sisterhood memorandum of agreement sa sister club na Rotary Clun of Marikina North.
Nakatanggap ng artwork na gawa ni Mang Ben ang governor na si Gov. Paul Angel Galang at ang chairman ng community service ng district na si past president Rhyan Virrey dahil sa pagiging donor sa Bisyong Pagnenegosyo.
Masayang nairaos ang pagdiriwang at puno pa rin ng pagtulong sa community.
Ang presidente ng club na si Benjamin Ganapin, Jr. ay nagbigay din ng mensahe at nagsabing ang rotary ay dapat maging language of hope, magbigay ng hope-based future to the community and God is our ultimate hope.
Naparangalan din ang mga nakaraang presidente ng club na nagsumikap na matulungan ang community.