39 KAHON NG SMUGGLED CIGARETTES NASABAT

sigarilyo

SULU- NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kahon-kahong smuggled na sigarilyo sa karagatang sakop ng Barangay Bato-Bato sa bayan ng Indanan ng nasabing lalawigan.

Sa ulat ng PCG, nagsasagawa ng coastal security patrol ang PCG nang maharang ang bangkang de motor na ML FAIDA sakay ang siyam nitong tripulante.

Dahil wala ang kanilang kapitan at wala silang safety certificate na inisyu mula sa PCG sa kabila na may lulan itong 39 kahon ng sigarilyong master kaya agad itong inispeksiyon ng coastal security patrol team na nakipag-ugnayan naman sa PCG Station sa Sulu bago dalhin sa Port of Jolo.

Mula sa Port of Jolo, dumating ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)  para sa inventory at tamang disposisyon ng mga smuggled goods.

Patuloy ang anti-smuggling operation ng PCG at BOC upang mapigilan ang ilang sindikato ng customs fraud, human trafficking at iba pang illegal na aktibidad sa mga baybaying sakop ng Filipinas. PAUL ROLDAN

Comments are closed.