MAGANDA ang resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na maraming Pinoy, o 39%, ang bumuti ang kalidad ng kanilang buhay.
Ang survey ay isinagawa noong June 23 hanggang July 1, 2024.
Bagama’t ang nasabing porsiyento ay hindi umabot sa kalahati ng mga Pinoy, mas mataas ito sa 23% na nagsabing lumala ang kalidad ng kanilang buhay.
Habang 37% ang nagsabing hindi nagbago ang uri ng kanilang pamumuhay.
Sa panig naman ng pamahalaan, patuloy itong gumagawa ng mga hakbang upang mapagaan ang buhay.
Kabilang dito ang umento sa sahod sa ilang probinsya na inaprubahan kamakailan.
Habang sa Oktubre ay posibleng bumaba ang presyo ng bigas dahil sa tariff cut sa imported rice.
Sinabi ng pamahalaan na ang full impact ng tinapyasang taripa ay mararamdaman sa Enero 2025 kaya maganda ang magiging pasok ng susunod na taon sa bawat Pinoy.
Sa usapin naman ng edukasyon at healthcare system, pinaigting pa ang mga ito ng pamahalaan.
Kaya posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga Pinoy na gumanda ang buhay.