MATAAS ang morale ng mga Alagad ng Simbahang Katolika maging ang kanilang deboto sa paggunita ng Dapitan Parish at ng Parish Pastrol Council sa 390th years of Christianity sa Zamboanga del Norte at ang 500 Years of Christianity in the Philippines na sinuportahan ng pamahalaang lokal ng Lungsod.
Bilang suporta kay Dapitan City Parish Priest Father Patrick Calva Dalangin, kaisa ang City Tourism Office sa paghanda sa ibat ibang aktibidad kabilang dito ang pagdiriwang sa pista ng Our Lady of the Pillar bukas, Oktubre 12,2021.
Ayon kay Dapitan City Tourism Officer Ms. Apple Marie Agolong, apat na araw ang inihandang aktibidad ng Dapitan Parish kung saan nagsimula ito kahapon, October 9 hanggang October 10,2021.
Nagsimula ang aktibidad sa pamamagitan ng Santos nga Misa, Triduum nga Pag-ampo sa Virgen sa Pilar at Healing Rosary for the World before the Venerated Image of Our Lady of the Pillar.
” Be proud Dapitanon that we have this religious opulence within us! First 3 days is the culmination of our celebration of the 390 Years of Christianity in Dapitan and the 500 Years of Christianity in the Philippines while the 4th Day is the celebration of the Feast of the Lady of the Pillarm” mensahe ni Dapitan City Tourism Officer, Apple Marie Agolong.
Ang Dapitan ang kauna-unahang lugar sa Mindanao ang “na-christianized” batay sa mga nakuhang dokumento na ipinadala ni Father Dalangin sa Roma.
Comments are closed.