3,942 PULIS SABIT SA ILEGAL KINASUHAN

TINIYAK ni Police Regional Director BGen Matthew P Baccay nagpapatuloy ang internal cleansing campaign ng police force para maibalik ang tiwala sa kanila.

Sa utos ni OIC- Chief, PNP Gen Vicente Danao Jr., pursigido itong linisin ang hanay ng PNP kasunod sa ulat na mula 2016 hanggang ngayon, umabot na sa 3,942 na pulis ang kinasuhan ng administrative cases habang nasa 6,236 ang nagkamali.

Sa bilang na ito, 880 personnel ay mula sa Police Region Police Office 3.

Nasa 5,319 naman ang Police Non-Commissioned Officers habang 37 ay mga Non-Uniformed Personnel na pumalo sa 47% mula sa total number ng PRO3 workforce na 13,131.

Base sa records ng PRO3’s Discipline Law and Order Section (DLOS), nasa 495 PNP personnel na ang na dismiss at 536 ang nananatiling suspendido.

Habang nasa 55 pulis ang demoted, 58 forfeited ang suweldo, 78 ang ni-reprimand.
Samantala nasa 4,932 pinawalang sala sa kasong administratibo. THONY ARCENAL