397 MARALITA UMUSAD ANG BUHAY

Conditional Cash Transfer

SOCCSKSARGEN- NAKAUSAD o “graduate” na mula sa matinding kahirapan ang 397 pamilya na inalalayan ng pamahalaan na na­ging benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer (CCT) program sa Region 12.

Ayon kay Kristin de Pedro, project development officer for CCT ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-12,  inalis na nila sa listahan ng naturang programa ang nasabing households  dahil gumanda na ang socio-economic standing ng mga ito.

Paliwanag ni De Pedro, ang pagtanggal sa programa ng nasabing bilang ng pamilya ay resulta ng pag-ayuda ng pamahalaan sa pamamagitan ng CCT na kilala bilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Dagdag pa ni De Pedro, bago ang removal ng mga pangalan sa programa ay nagkaroon muna ng assessment ang social workers sa actual economic status ng mga beneficiary at tiniyak kung kailangan pa nila ang financial assistance.

Paglilinaw  naman ni De Pedro na hindi nangangahulugan na ang pagtanggal sa listahan ay agaran dahil maingat na tinitingnan ang pangangailangan ng mga ito.

Mayroon pang anim na buwan ang 397 families upang iapela sa central office ang kanilang pagka-tanggap sa CCT program.       EUNICE C.

Comments are closed.