39TH MASSKARA FESTIVAL UMARANGKADA

MASSKARA FESTIVAL-1

BACOLOD CITY –  Umarangkada na ang tinaguriang “City of Smiles” Festival na mas kilalang Masskara Festival sa buong kalaganapan. Pinasimulan ang makulay na okas­yon noong Oktubre 19, 1980 hanggang sa ito ay opisyal na itakda sa ikaapat na Linggo ng Oktubre.

Kakaiba ang Masskara Festival dahil mapapansin ang makulay na kasuotan partikular na ang nakatakip sa mukha ay maskarang nakangiti. Sa mga naunang Masskara Festival ay gumagamit lamang ng body at face-paint ang kalahok sa street dance competition. Kinalaunan ay mas makulay na smiling na maskara ang ginawa hanggang sa kasalukuyang taon.

MASSKARA FESTIVALHinugot ang katagang “masskara’ sa salitang ‘mass’ (maramihan) at ang ‘kara’ naman ay  ‘mukha’. Dahil sa katagang magkahiwalay ay naisipan ng mga naunang pamunuan ng festival na pag-isahin kaya tinawag na “Masskara”. Bubungad sa arrival area ng New Bacolod Silay International Airport ang makulay na iba’t ibang hugis ng smiling mascara.

Karamihan sa mga turistang dumarayo at ibig saksihan ang Mass­kara Festival ay hindi mapigilang mag-selfie sa mga naka-display na smiling mascara sa nabanggit na paliparan.

Kabilang sa mga programang inihanda ng Team Masskara ay ang medical mission noong Oktubre 1 at sinundan ng DepEd Parade Drum & Bugle Competition, Senior Citizens Cultural Presentation at Coronation of Queen. Hindi rin mawawala ang Nights of Mardi Gras noong Oktubre 10, 11 at 12. Ma­ging ang entertainment at sports show ay nagpamalas ng kani-kanilang kahusayan.

Namumutawi rin sa paligid ng public plaza ang mga booth ng Tourism promotions ng festival.

Hindi mahulugan ng karayom ang kalsada sa naganap na selebras­yon ng kapistahan kung saan magkabi-kabilang karinderya at vendor na may panindang mini-maskara bilang souvenier. Naging kakaiba ang Masskara Festival  dahil walang sinisimbolong imahe ang hawak ng mga kalahok sa street dance competition. Maging sa Electric Masskara Floats Competitions ay matutunghayan ang makulay na iba’t ibang smiling mascara.

MASSKARA FESTIVALDinagsa rin ang mga kilalang fastfood chain kung saan ang pilahan ay umaabot na sa labas mismo ng restaurant. Maging ang seguridad  sa kapaligiran ay payapa dahil nagkalat ang iba’t ibang law enforcement agency kung saan mapapansin ang kawalan ng signal ng mobile phones.

Isa sa kinasasabikang matunghayan ng karamihan ay ang makulay na Electric Masskara  Performing Floats Competition at ang street parties na ginanap sa Lacson Avenue noong Oktubre 26.

Sinundan ito ng iba pang competition kabilang na ang Masskara Drumbeating Contest at National Fireworks Display Competitions na pinangunahan nina Rep. Greg Gasataya at Bacolod Mayor Bing.

Gayundin ang pinakahihintay na matunghayan ng mga residente, dayuhang turista na bitbit ang kanilang kamera ay ang Masskara Street Dance and Arena Competitions sa Bacolod Public Plaza.

Dito na ipamamalas ng mga kalahok ang kani-kanilang kahusayan sa pag-indak at makulay na kasuotan at hindi mawawala ang smiling mask.

MASSKARA FESTIVAL-4Sa pasimula pa lamang ng street dance competitions ay walang kalagyan ang katuwaan ng mga residente. Pina­ngunahan ng schools category ang nabanggit na competitions bago ang barangay category. Kabilang din sa nagpamalas sa Masskara Festival ay ang sikat na South Korean Rion 5 kung saan ginanap ang K-Pop Concert na Korean Mask Dance sa Bacolod Ground Center.

Magugunita na imbes na kalungkutan ang ipakita ng mga taga-Bacolod kaugnay sa naganap na trahedya noong Abril 22, 1980 kung saan namatay ang 750-katao, iminungkahi ni City Mayor Jose Montalvo na pasimulan ang “Festival of Smiles” para itaas ang moral at dignidad ng mga taga-Bacolod. Kaya naman matutunghayan sa mga gilid ng kalsada ang karatulang may nakasulat na “City of Smiles”.

Kinalaunan ay tina­wag na Masskara Festival ang mungkahi na “Festival of Smiles” ng mga taga-Bacolod City.  Text and photos by MHAR BASCO

Comments are closed.