3K ARMAS, PATALIM, PAMPASABOG NASAMSAM SA ELECTION GUN BAN

CENTRAL LUZON-UMABOT sa 3000 ibat -ibang uri ng armas,pampasabog at patalim nakumpiska ng PNP sa 400 katao sa pagtatapos ng Election Gun ban sa rehiyong ito.

Ito ang nakapaloob sa report na tinanggap ni Regional Director BGen.Matthew Baccay mula sa pitong lalawigan na kinabibilangan ng Aurora ,Bulacan, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac,Pampanga at Zambales.

Naitala ang nasabing datos sa Central Luzon mula noong election period nang Enero 9 hanggang nitong Hunyo 5 kung saan nasa 328 assorted firearms at 2,319 deadly weapons and explosives ang nakumpiska.

Samantala, nasa 400 gun ban violators naman ang kinasuhan.

Ayon Baccay, mananatili ang regular checkpoints hanggang ngayong araw, Hunyo.
Umapela rin ang opisyal sa publiko na manatiling vigilant sa kanilang kapaligiran. THONY ARCENAL