MAHIGIT sa tatlong libong dayuhan ang ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) noong nakaraang taon bunsod sa paglabag ng Philippine immigration laws.
Ayon kay Commissioner Jaime Morente, nangunguna ang Chinese nationals sa 3,009 deportees, sumunod ang 60 Vietnamese, 40 Koreans, 25 Americans, 20 Japanese, 12 Indians at limang Pakistani nationals.
Karamihan sa mga deportee ay walang working permit, nasangkot sa unauthorized online gaming operations, telecommunications fraud, economic crimes, investment scams, at cybercrime activities.
Dagdag pa nito sa nasabing bilang ang iba ay wanted sa kani-kanilang mga bansa sa pagkakasangkot ng mga ibat-ibang kaso, habang ang iba ay convicted sa mga kaso at naisipan na magtago sa Filipinas.
Batay sa report ng BI, naaresto ang mga ito sa tulong ng mga awtoridad ng kanilang bansa, at sa pakikipagtulungan ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan.
Ayon sa talaan ng BI detention center sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, nasa 276 ang bilang ng dayuhan ang pansamantalang nakakulong habang hinihntay ang deportation order ng BI Board of Commissioner. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.