CAVITE- AABOT sa 3000 kandidato mula sa 97 barangay sa Imus City para sa Barangay at Sanguniang Kabataan elections ang nakiisa sa inilunsad na Unity Walk, Inter Faith Rally at Peace Covenant Signing sa Imus Grandstand, kamakalawa ng umaga.
Dinaluhan ng mga Pari, Pastor at Imam mula sa iba’t ibang sektor ng relihiyon bilang simbolo ng adhikain na maisakatuparan ng payapa at matiwasay ang BSKE 2023.
Bukod sa panunumpa o pledge of commitment ng mga kandidato at stakeholders, lumagda naman sa peace covenant bilang tanda ng pagpapasakop sa mga alituntunin ng COMELEC sa opisyal na pagsisimula ng kampanya.
Kasunod ng nasabing programa ay nagpakawala ng mga puting kalapati sina Cavite Election Supervisor Atty Mitzelle Morales-Castro, Cavite Police Director Col. Eleuterio Ricardo at si Cavite DILG Prov Dir Danilo Nobleza, bilang simbolo naman ng malinis na halalan. MB