3K NA PULIS MAYNILA, IPOPOSTE SA ‘PROTEST ZONES’, SA HULING SONA NI PRRD

SA direktiba ni PNP-National Capital Region Police Office Director Vicente Danao ay magpapalabas ng 3,000 mga tauhan ang Manila Police District (MPD) upang iposte sa sa iba-ibang ‘protest zones’ sa Maynila sa Lunes, July 26, kaugnay ng huling State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte sa kabila na pagpapairal ‘no permit, no rally’ policy.

Base sa inilatag na security blanket ni P/Major General Vic Danao, ay inatasan si MPD Director PBGen. Leo Francisco na magtalaga ng karampatang bilang ng mga unipormadong pulis sa Chino Roces bridge (Mendiola), Liwasang Bonifacio, US Embassy at sa lugar Supreme Court (SC) .

Sa kabila na wala namang validated threat hinggil sa national security na na-monitor ang PNP at maging ang AFP ay inilagay pa rin ni Francisco ang MPD sa ilalim ng alert status.

Nabatid na ang MPD deployment ay bahagi ng 15,000 personnel na itatalaga sa utos ni NCRPO chief PMGen. Vicente Danao, Jr., at siya ring mangunguna sa security preparations and deployment plans para sa SONA 2021.

Isinaboses din ni Francisco ang sinabi ni Danao na sa kabila na mayroon kalayaan sa pagpapahayag, mahalaga rin na bigyan ng konsiderasyon ang batas at regulasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Umapela si Danao sa publiko na manatili na lamang sa bahay sa halip na sumama sa rallies: “because it can be a cause of wide spreaders lalo na ngayon with Delta variant, na very dangerous. Kaya kami po ay nakikiusap sa lahat na kung wala naman kayong ibang gagawin, siguro po mag-stay at home na lang. Lalong lalo na ngayon, baka magkahawaan pa tayo lalo niyan.”

Tiniyak din ng NCRPO na mayroong contingency plans sakaling magkaroon ng anumang insidente, gayunman ay nagkaroon na ng mga pag-uusap sa pagitan ng iba’t-ibang community leaders, stakeholders at civil society leaders.

“”We are also deploying the use of body-worn cameras para po mamonitor natin yung lahat ng movement lalong lalo na yung sa security aspect.

Mas makikita natin yung movement ng mga tao at mas matututukan natin ‘yung placement ng kanilang deployment. This is to ensure na hindi tayo malulusutan ng any suspicious person na maaaring gumawa ng kalokohan,” dagdag pa ni Danao.

Katuwang ng PNP-NCRPO ang AFP Joint Task Force – National Capital Region (JTF-NCR) sa pamumuno ni Brigadier General Marceliano V. Teofilo .

Magsisilbing security cordon ang may 1,000 sundalo na itatalaga sa mga identified areas sa Quezon City at mga hangganan ng NCR bilang suporta sa NCR Police Office (NCRPO). VERLIN RUIZ

26 thoughts on “3K NA PULIS MAYNILA, IPOPOSTE SA ‘PROTEST ZONES’, SA HULING SONA NI PRRD”

Comments are closed.